-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine Coast Guard ang pangamba ng publiko hinggil sa umano’y hacking attempts sa website at iba pang impormasyon ng ahesnya.

Ito ang binigyang-diin ni PCG Spokesperson Rear Admiral Balilo kasunod ng resulta ng naging imbestigasyon ng Department of Information and Communication kaugnay sa umano’ y pagtatangka ng mga hackers na pasukin ang website ng coast guard.

Ayon kay Balilo, walang namomonitor na anumang uri ng hacking attempts ang PCG at nananatili aniyang secure ang kanilang website sapagkat mayroonaniya itong taglay na sapat na firewall upang matiyak na hindi ito mapapasok ng mga hackers.

Kaugnay nito ay ipinag-utos na rin aniya ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan sa Coast Guard Public Affairs Service na patuloy na makipag-ugnayan sa DICT para sa patuloy na mas mahigpit na monitoring.

Layunin nito na matiyak na hindi mahahaluan ng anumang uri ng fake news ang mga impormasyong kanilang inilalabas lalo na’t for public consumption ang mga ito dahilan kung bakit dapat na maprotektahan ang kanilang system laban sa mga computer viruses.