Isinasapinal na ng Philippine Carabao Center (PCC) ang plano nitong pagtatayo ng mga pasilidad sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ito ay upang makatugon sa mataas na pangangailangan ng bansa pagdating sa supply ng gatas.
Sa inisyal na plano ng tanggapan, itatayo ang dalawang malalaking retort facilities sa Bohol at Zamboanga Del Sur.
Ang Retort facility ay isang pasilidad kung saan sumasailalim ang mga naaaning gatas ng kalabaw upang linisin at maging mas ligtas para gamitin o inumin ng publko.
Ang dalawnag malalaking pasilidad ay maliban pa sa mga naipatayo na sa ibang mga lugar, katulad ng Isabela, Batangas, Sorsogon and Nueva Ecija.
Umaasa ang PCC na sa pamamagitan ng mga bago nitong pasilidad ay matutugunan ang 13% na deficit ng bansa, kung saan umaasa lamang ito sa commercial milk na nabibili sa ibang lugar.
Pagtitiyak ng PCC, ang mga naturang pasilidad ay makakatulong din ng malakin para mapaunlad ang mga magsasakang nakatutok sa carabao industry.