-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Walang paninindigan sa mga binibitiwang pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte, reaksyon ni Philippine Bar Association President Atty. Rico Domingo matapos na maghamon ng debate ang pangulo at umatras.

Si Presidential spokesman Harry Roque na lamang umano ang itatapat kay Retired Supreme Court Associate Justice Atty. Antonio Carpio sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Domingo na sa pulso ng publiko, mga pahayag nina Duterte at Carpio at hindi ang tinig ni Roque, ang nais marinig.

Isabay pa ang mga kongkretong aksyon sa intrusion ng China sa teritoryong pagmamay-ari ng bansa.

Sa hiwalay na panayam naman, dismayado si Homonhon Environmental Rescuers Organization president Villardo Abueme sa pahayag ng Pangulo na papel lamang ang 2016 arbitral ruling sa WPS, na maaring itapon sa basurahan.

Insulto umano ito hindi lamang sa mga Pilipino kundi sa mga kabahagi ng legal na kasulatan na patunay ng pagkilala ng international community sa teritoryong sakop ng Pilipinas.