-- Advertisements --
cropped POGO gambling casino 4

Binatikos ang state-run na Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa isinagawang pagdinig sa Senado ang pagpapahintulot nito ng operasyon ng dalawang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) service providers sa kabila ng pagkaksangkot ng mga iro sa kasong kidnapping.

Ayon sa isang Senador na hindi katanggap-tanggap na ngayon lamang kikilos ang Pagcor gayong mahigit 30 araw na matapos na maibunyag ang naturang kaso sa privilege speech ni Senator Grace Poe nong nakalipas na taon.

Giit pa ng mambabatas na hindi sila sinasanto ng mga POGO operator lalo na ang mga sangkot sa krimen dahil sa mabagal na aksiyon at ang parusang multa ay nasa kalahating m,ilyon lamang.

Humingi naman ng patawad ang Pagcor at nangakong sisiyasatin ang criminal case.

Inihayag din ng ahensiya na ang mga POGO na sangakot sa anumang criminal case ay haharap sa deportation at ang revocation ng kanilang lisensiya.