Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. samga miyembro nito na ang patuloy na benefit coverage at binigyan diin na ang kanilang pondo ay nananatiling matatag para matugunan ang kanilang obligasyon ng pangmatagalan.
Ito ay kabalintunaan nama sa napaulat umano na claim hinggil sa projection noong nakalipas na taon sa net loss ng ahensiya na P57 billion sa halip nagtapos ang 2021 nang may net incomw na P32.84 billion na mas mataas ng P2.8 billion mula sa nakalipas na taon.
Ayon sa Philhealth nasa kabuuang P140 billion ang benefit claims expense ng mga miyembro. Tumaas din ang total assets nito ng 27% na nasa kabuuang P347.48 billion noong 2021.
Ayon pa sa state-run insurer na as of June 2022, mayroong P188 billion reserve fund kung saan 6.7% ito na mas mataas kumpara sa P176.6 billionnoong katapusan ng 2021. Malinaw na indikasyon ito na financially stable ang Philhealth at nasa matatag na posisyon para magtuluy-tuloy ang pagbabayad ng benepisyo sa long term.