Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation na tutugunan nila ang reklamo ng mga ospital hinggil sa mga delay sa pagproseso ng mga calims.
Base sa kanilang records, sinabi ng Philhealth na aabot na sa kabuuang P166 billion ang nabayaran nila para sa 13.6 million claims.
Katumbas ito ng 76.4 percent ng 18 million claims na kanilang natanggap noong nakaraang taon mula sa mga accredited government at private hospitals sa bansa.
Sinabi ng PhilHealth na nagdodoble kayod sila para maproseso ang natitirang 12 percent na nagkakahalaga ng P25.6 billion.
Samantala, nasa wwalong porsiyento anila ng total claims na kanilang natanggap ay ibinalik naman sa mga ospital para mawasto ang mga natukoy na deficiencies.
Tatlong porsiyento naman ang denied dahil sa non-compliance at iba’t ibang mga paglabag sa mga umiiral na patakaran at regulasyon.