-- Advertisements --
image 316

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na magsasagawa sila ng pilot testing sa susunod na buwan para sa kanilang ipatutupad na bagong payment scheme sa kanilang mga accredited primary care providers.

Sa ilalim ng programang ito, makakatanggap na ng pondo ang mga primary care providers mula sa gobyerno kahit hindi pa na aavail ng pasyente ang kanilang serbisyong pangkalusugan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa , na layunin ng bagong scheme na ito na maiwasan financial loses dahil sa mga fraudulent claims at “ghost” membership.

Batay report ng Commission on Audit para sa taong 2020 kung saan na flag ng kanilang ahensya ang interim reimbursement mechanism ng Philhealth dahil sa pagbabayad nito ng P 14.97 bilyon sa 711 healthcare institution bago matapos ang kanilang serbisyo.

Aminado naman ang kalihim na hindi nila kaagad ito maipatutupad sa buong bansa at sa ngayong ay patuloy parin nila itong pinag-aaralan kung paano nila ito mapapagbuti.