-- Advertisements --
image 306

Pinaalalahanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga kababaihang malapit nang manganak ay maaaring makinabang sa iba’t ibang benepisyo ng PhilHealth upang makatulong na maprotektahan sila mula sa suliraning pinansiyal kasabay na rin pagdiriwang ng bansa ng National Women’s Month ngayong Marso.

Sinabi ni PhilHealth acting president at chief executive officer Emmanuel R. Ledesma Jr. na ang maaaring mag-avail ang mga buntis na ina ng Maternity Care Package (MCP), Normal Spontaneous Delivery (NSD) Package, o Antenatal Care Package (ACP).

Sinabi ni Ledesma na ang Maternity Care Package ay isang benepisyo na saklaw ang kompleto at mahahalagang health care services para sa mga buntis na malapit ng manganak.

Aniya maaaring ma-avail ang package na ito sa mga ospital sa halagang PHP6,500 o sa mga infirmaries, dispensaries, birthing homes, at maternity clinic ay nasa halagang PHP8,000 case rate.

Ang case rate para sa caesarian section naman ay PHP19,000, PHP9,700 para sa complicated vaginal delivery, at PHP12,120 para sa breech delivery at vaginal delivery pagkatapos ng caesarian section.

Sinabi ni Ledesma na ang mga ina na gustong magsagawa ng pagpaplano ng pamilya pagkatapos manganak ay maaari ding maka-avail ng post-partum intrauterine device (IUD) insertion na saklaw din ng state insurer.