-- Advertisements --
PhilHealth 2

Inaasahang magpapatupad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng karagdagang 0.5% sa buwang kontribusyon ng mga miyembro simula sa Enero ng susunod na taon.

Tataas ang premium rate ng hanggang 4.5% sa 2023 mula sa kasalukuyang 4%. Ang pagtataas na ito ay mandato sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Ibig sabihin ang mga kumikita ng P10,000 kada buwan ang magiging kontribusyon ay magiging P450 subalit kung hahatiin ito sa pagitan ng employer at ng empleyado ang babayaran na lamang ng employee na miyembro ng Philhealth ay P225.

Magtatapos ang taunang dagdag sa contribution rate sa taong 2025.

Maaalala na sinimulan ang implementasyon ng pagtataas sa contribution noong 2019 mula nang maisabatas ang Universal Health Care Law.

gagamitin anman ang dagdag sa kontribusyon para malinang pa ang primary care benefit package ng Philhealth o ang KonSulta package para sa pagbibigay ng konsulatsyon, health-risk screenings, laboratory test gayundin ng mga medisina.

Makakatulong din ito para pondohan ang iba pang serbisyo ng Philhealth kung saan inaasahang sisimulan ang outpatient therapeutic care for severe, acute malnutrition at outpatient package for mental health sa susunod na taon.