DAVAO CITY – Itinanggi ng state-owned Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa Davao Region ang sinabi ng mga health group patungkol sa hindi pagbayad ng claims na nag-resulta umano sa pagsasara ng isang private hospital sa Davao del Sur.
Ayon kay Atty. Harvey Carcedo, Philhealth-Davao acting regional vice president, na wala umanong katotohanan na ang unpaid claims ang dahilan kung bakit nagsara ang Dominican Hospital sa Digos City.
Lung maalala una ng sinabi ni Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) Jose Rene de Grano na dalawa sa kanilang mga hospital members kung saan isa sa Samar ay isa sa Davao region ang nagsara at nagdeklara ng bankruptcy matapos na hindi binayaran ng Philhealth.
Ilan rin umano sa mga ospital ang nagbaba ng kanilang work hours o nagbawa ng workforce habang ang iba naman ay nag loan sa bangko para makapagpatuloy sa kanilang operasyon.
Una na umanong nagpadala sa kanila ang opisyal ng Dominican Hospital ng sulat na nagsasabing ititigil na nila ang operasyon dahil nahihirapan na sila sa epekto ng pandemiya.










