Maaring maharap sa kasong technical malversation ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa maling paggamit ng pondo na ibinigay sa mga healthcare facilitities sa pamamagitan ng intermin reimbursement mechanism (IRM).
Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., base sa PhilHealth circular, maaring gamitin lamang ang IRM funds tuwing mayroong “fortuitous” events tulad ng COVID-19 pandemic.
Base sa kanilang bulletins at press release, malinaw ayon kay Barzaga na ang IRM funds ay gagamitin lamang sa paggamot sa mga COVID-19 patients.
Sa pagdinig ng Kamara, natukoy na ilang dialysis centers ang napasama sa listahan na inilabas ni House Committee on Public Accounts chairman Mike Defensor na nakatanggap ng IRM funds sa kabila ng pending cases ng mga ito sa PhilHealth.
Sa kanyang pagtatanong, kinumpirma ni PhilHealth senior vice president Dr. Israel Pargas na kasama sa mga nabigyan ng IRM funds ang mga dialysis centers, birthing facilities, at infirmaries.