-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) ang mga interesadong civil society otrganizations na mag register at magpa-accredit bilang partners ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto at ibat-ibang mga aktibidad.

Layon nito na matiyak na epektibong naipapatupad ang mga programa sa agrikultura.

Ayon sa pamunuan ng PCAF, ang mga accredited CSOs ay magiging implementing partners o beneficiaries sa mga programa at proyekto ng Department of Agriculture.

Sa pamamagitan ng pag-tap sa mamamayan sa pamamagitan ng mga accredited CSO, umaasa ang DA na mapabuti ang absorptive capacity ng ahensiya, isulong ang transparency and accountability, at pahusayin ang mabuting pamamahala sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay PCAF Executive Director Nestor Domenden, na kanilang kinikilala ang role ng CSOs sa community development lalo at mabibigyan ang mga ito ng pagkakataon na makilahok sa government decision-making at pagpapatupad ng mga agriculture at fisheries programs and projects ng DA.

Kabilang sa mga eligible CSO para sa akreditasyon ang mga civic organization, kooperatiba, non-government organization, people’s organization, indigenous people’s organization, at non-profit organization na nakikibahagi at may expertise sa agriculture and fisheries.

Ang mga CSOs na nagnanais na maging accredited partners ay dapat mayruong magandang track records at ang mga nais na maging beneficiaries ay may sapat na kahandaan para sa ibibigay na grant para sa financial assistance.

Ang National Technical Committee na pinamumunuan ng PCAF ang siyang nag facilitate sa accreditation sa mga eligible CSOs.

Ayon sa PCAF, para mas magaan ang pag apply mayruon three-step online application process.

Ang mga sumusunod ang siyang mga requirements sa pag-apply:
(1) Prepare a duly accomplished application form which can be downloaded from the PCAF website; (2) Scan the certified true copy of all the requirements, including a Certificate of Compliance for cooperatives registered under the Cooperative Development Authority; and (3) Email the complete documents to the CSO National Technical Secretariat at cso.nts@pcaf.da.gov.ph.

Ang kumpletong listahan ng mga kinakailangan sa dokumentaryo ay makukuha sa website ng PCAF.

Maaari ding suriin ng mga aplikante ang Administrative Circular No. 3, Series of 2022, partikular ang Artikulo III, Seksyon 2 at 5 para sa mga kinakailangan sa aplikasyon.

Ang mga local at regional based CSOs ay maaaring magsumite ng kanilang mga kinakailangang dokumento sa Regional Technical Committee sa kanilang DA-Regional Field Offices.

Isang accreditation certificate lamang ang maaaring ibigay sa bawat CSO.

Ang bawat antas ng akreditasyon ay inuuri din batay sa pakikipag-ugnayan bilang co-implementer ng CSO o bilang benepisyaryo ng CSO.

“Aside from ensuring people’s participation in agriculture and fisheries programs, accreditation of CSOs also help DA promote transparency and accountability in the use of government resources. Citizen engagement in the use and allocation of public funds improves our system of checks and balances when the people are more active in deciding and monitoring where and how public funds are used,” pahayag ni Mr. Domenden.