-- Advertisements --

a3

Patuloy ang ginagawang clearing operation ng mga tauhan ng Philippine Army (PA) sa ilang Barangay sa Juban,Sorsogon matapos ang pangalawang Phreatic eruption ng Mt Bulusan nitong June 12,2022.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson,Col. Xerxes Trinidad, ang disaster response unit ng Headquarters Joint Task Force Bicolandia, ang nanatili ngayon sa Barangay Puting Sapa sa Juban, Sorsogon para linisin ang mga abo na nasa kalsada.

Sinabi ni Col. Trinidad, nanatili aniya nasa sa red alert status ang kanilang unit sa lugar para sa posibleng humanitarian assistance and disaster response missions.

a2

Una nang nalinis ng mga tropa ng Philippine Army sa lugar ang mga kalsada sa Barangay Rangas sa bayan ng Juban.

Pinuri naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., ang mga miyembro ng Army Humanitarian Assistance and Disaster Response Teams at maging ang mga reservists dahil sa kanilang dedikasyon na matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang apektado ng phreatic eruption ng Mt. Bulusan.