-- Advertisements --
IMG 456e620b318af0b150ef350d63e83407 V

Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Philippine Army kaugnay pa rin sa pagkakasangkot ng isang Army reservist sa iligal na droga matapos ang isinagawang raid ng Philippine Drug Enforcement Ageny (PDEA) sa isang malaking mall sa Quezon City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Ramon Zagala, ang Army Reserve Command daw ang magsasagawa sa imbestigasyon na kinasasangkutan ni Private First Class (PFC) Omar Pagayawan.

Ang suspek ay kasama ng dalawa pang katao na nahulian ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.

Sinabi ni Zagala na kahit active sa serbisyo o reservist ay kinakailangan ng pinakamataas na standard ng military discipline at professionalism.

Samantala, hiniling na umano ng AFP-Joint Task Force National-Capital Region (JTF-NCR) na sibakin na sa puwesto ang naturang reservist.

Hindi rin umano organic personnel ng JTF-NCR si Pagayawan at nag-report ito sa National Capital Region Regional Community Defense Group (NCRRCDG).

Nagboluntaryo raw ito sa duty sa Pasay City nang magsimula ang Coronavirus disese 2019 (COVID-19) pandemic pero ang kanyang duty ay natapos na noong June 15.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Article 117 o Usurpation of Authority or Offical Functions at Article 179 o Illegal Use of Uniforms or Insignia ng Revised Penal Code maging ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasama rin sa mga nahuling suspke ay sina Amel Abdul, 31, company driver; Jonaid Londoy, 27.

May shabu na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tatlong suspek sa isinagawa nilang buybust operation sa parking lot ng Ever Gotesco mall sa Quezon City.

Ang mga suspek ay nahuli sa Ever Gotesco Mall sa lungsod Quezon sa pamamagitan ng PDEA at mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD).