Nagsagawa ng joint disaster and military exercises ang ang mga tauhan ng Philippine Army nuong June 15, 2022 na ginanap sa Mandirigtas Training Area, Libingan ng mga Bayani, Taguig City.
Ang mga tauhan ng 525th Engineer Combat Battalion ng 51st Engineer Brigade ang nagsagawa ng Close Quarter Battle (CQB) at Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR) drills kasama ang mga personnel ng 191st Military Police Battalion (191st MP Bn) ng Installation Management Command (IMCOM).
Sa nasabing joint disaster and military drills, ipinakita ng mga sundalo ang kanilang kahandaan sa pag responde kapag mayruong hostage-taking crisis sa loob ng headquarters ng Philippine Army.
Ipinakita din ng 525ECB combat engineers ang kanilang kaalaman sa counter-IED, breaching and rescue capabilities in the hostage-taking blast scenario na isa sa naging highlights ng joint drills.
Ang nasabing joint exercise ay bahagi ng naka linyang aktibidad kaugnay sa 32nd founding anniversary ng 191 MP Bn.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson, Col. Xerxes Trinidad ang nasabing aktibidad ay in line sa thrust ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr. na palakasain at paigtingin pa ang skills ng bawat sundalo at maging ng kanilang mga unit ng sa gayon maging matagumpay ang kanilang misyon.