Nakipagpulong si Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. kay Japan Ground Self Defense Force Chief of Staff Yoshida Yoshihide sa layong mapalakas ang ugnayan ng mga hukbo ng dalawang bansa.
Sa “virtual” na paguusap ng dalawang opisyal kamakalawa, inanyayahan ni Gen. Yoshida si Lt. Gen. Brawner na bumisita sa Japan para lagdaan ang revised Philippine Army-Philippine Marine Corps-JGSDF (PA-PA-JGSDF) Terms of Reference.
Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Brawner kay Gen. Yoshida sa kanyang “commitment” na palakasin ang ugnayan ng dalawang hukbo at sa donasyon ng Japan na Humanitatian and Disaster Relief (HADR) equipment.
Matatandaang nag-donate ang Ministry of Defense noong Oktubre 2021 ng P50-milyong pisong halaga ng water search-and-rescue (WASAR) at collapsed structure search-and-rescue (CSSR) equipment para sa 525th Engineer Combat Battalion (525ECB), ang pangunahing disaster-response unit ng Phil. Army.