Tumaas ang tiyansa na magiging operational na ang Phase 1 ng Light Rail Transit Line 1 extension sa huling kwarter ng 2024 matapos makumpleto ang 97 posyento na ng proyekto.
Saklaw ng Phase 1 ng LRT1 Cavite extension project ang unang 5 karagdagang istasyon na may habang 6 na kilometro sa lungsod ng Parañaque, kabilang ang Redemptorist, MIA, PITX Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos.
Ayon sa LRT1 private operator na Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang Redemptorist station na sunod na istasyon pagkatapos ng Baclaran station ay natapos na ang 93.3% dito.
Habang ang MIA station naman na pinakamalapit sa NAIA ay 93.5% ng kompleto, ang Asia World Station naman na nagkokonekta sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay 83% ng tapos.
Sa Ninoy Aquino station naman ay 88% na ang completion rate habang ang Dr. Santos station naman na pinakahuling istasyon ng phase 1 ay 94.1% ng kumpleto.
Inaasahan na sa oras na makumpleto na ang phase 1 extension project iikli na ang oras ng biyahe at aabot hanggang 600,000 pasahero ang kaya nitong maisakay kada araw.