Nakikipag-ugnayan na ang Private Hospitals Assosciation of the Philippines sa department of Health ukol sa mga denied application sa matatanggap na special risk allowance ng mfa healthcare workers.
Batay sa PHAPi, mayroong 63,772 healthcare workers ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang benepisyo na nakasaad sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan 2 law.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagkaantala ng pamamahagi ng mga benepisyo ay dahil sa lapses sa application forms.
Ayon naman kay PHAPi president Dr. Jose de Grano ang maayos na diokumentasyon para sa paglalabas ng special risk allowance anf posibleng problema dahil karamihan sa private healthcare workers ay nakatanggap ng bahagi ng kanilang benepisyo.
Inaantay pa ang panibagong batch ng benepisyo na ilalabas ng DOH dahil maraming ospital ang nakapagsumite na ng mga dokumento.
Nauna rito, nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11712 na nagmamandato sa patuloy na pagbibigay ng benepisyo sa mga public at private health workers sa gitna ng covid-19 pandemic at iba pang public health emergencies sa hinaharap.