-- Advertisements --
Iginiit ni Dr. Jose Rene de Grano ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) na hindi dapat nakasalalay sa advance payment ang pagtugon ng mga doktor at ospital sa mga pasyenteng nasa emergency case.
Binanggit ni De Grano na malinaw na ipinagbabawal ito ng Anti-Hospital Deposit Law, na nag-uutos sa mga ospital na agad magbigay ng lunas sa mga pasyente sa oras ng kagipitan.
Ang pahayag ng PHAPi ay kasunod ng mainit na diskusyon sa Senado ukol sa pagtanggap ng pasyente kahit walang agarang pambayad.
Matatandaang nagkasagutan pa sina Sen. Pia Cayetano at sen. Risa Hontiveros hinggil sa nasabing issue para lamang mapalakas pa ang batas ukol sa mga pasyente at health facilities.
















