Bigo pa rin ang women’s team ng Pilipinas na makasungkit ng panalo sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games volleyball tournament matapos patumbahin ng Indonesia.

Pero may pagkakataon pa ang Pinay volleybelles na makasungkit ng podium finish kapag natalo ang parehong team sa medal match sa Lunes.

Nasungkit pa ng Pilipinas ang first set: 25 – 22.

Pero bumawi ang 2017 SEA Games silver medalist na Indonesia at kinuha ang sumunod na tatlong set: 28-26, 25-22, 25-14.

Ilan sa mga pumuntos para sa Pilipinas sina Mylene Paat, Majoy Baron at Ces Molina.