Hindi pipigilan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga mangingisdang Pilipino sa pangingisda sa West Philippine Sea dahil tumanggi itong kilalanin ang unilaterally imposed fishing ban ng China.
Sinabi ng DFA na ang ginawa ng Beijing ay isang “illegal exercise of state authority” kung isasaalang-alang na ang pagbabawal ay sumasaklaw sa mga maritime zone ng Pilipinas.
Kung maaalala, binugahan ng CCG gamit ang water cannon ang isang PCG vessel na magre-resupply sana sa mga tropang Pilipino na nakatalaga sa Ayungin Shoal.
Ayon sa nasabing departamento, sa katunayan, ang pagbabawal sa pangingisda ng Beijing ay talagang naging paksa ng mga diplomatikong protesta ng gobyerno.
Dagdag dito, hinihikayat ang China na gumawa ng mga aktibong hakbang sa daungan upang maiwasan ang mga fleet ng pangingisda nito na makapasok sa territorial sea at EEZ ng Pilipinas.
Una na rito, handa ang Pilipinas na magsagawa ng mga hakbang sa pagpapatupad ng mga batas sa mga aktibidad ng ilegal na pangingisda sa mga karagatan nito sa West Philippine Sea (WPS).