-- Advertisements --
image 238

Ibinunyag ng Office of the Civil Defense (OCD) na nakarekober ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) ng nasa dalawang katao na nasawi sa pagtama ng malakas na lindol sa nagpapatuloy na search, rescue and retrieval (SRR) operations sa Turkey.

Ayon kay OCD joint information center head Diego Agustin Mariano na natagpuan ng urban search and rescue team ng Pilipinas ang dalawang fatalities sa paghalugad sa gumuhong apartment complex sa may southern province ng Adiyaman city, Turkey nitong nakalipas na araw.

Nasa kabuuang apat na fatalities ang narekober ng rescue team ng Pilipinas mula ng simulan ang kanilang operasyon sa Turkey noong Pebrero 10.

Samantala, personal na binisita naman ni Mayor Abdurrahman Dursun ng district ng Sultangazi sa Istanbul ang rescue team ng Pilipinas para magpaabot ng pasasalamat sa mga Filipino responders.

Binisita rin ni Mayor Dursun ang field hospital na itinayo ng Philippine Medical Assistance Team in Adiyaman city sa Turkey.

Sa kasalukuyan nasa 168 ambulatory cases at trauma care patients ang naasistihan ng field hospital.

Nakaantabay din ang PEMAT team na binubuo ng mga personnel mula sa Department of Health para magbigay ng assistance sa mga Filipino responders na nangangailangan ng medical care sa gitna ng napakalamig na klima sa Turkey.