-- Advertisements --
Pinag-aaralan na raw ng Philippine Red Cross (PRC) ang mas murang singil sa isinasagawa rin nilang testing sa COVID-19.
Sa isang panayam sinabi ni PRC chairman Sen. Richard Gordon, na patuloy ang negosasyon nila sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para bumaba pa nang hanggang sa P2,500 o P1,5000 na lang ang kanilang singil sa pagte-test.
Inaasahang magbubukas ang mga bagong COVID-19 testing labs na hawak ng PRC sa susunod na linggo sa Surigao, Cotabatoc; at Passi City sa Iloilo.
Sa huling datos ng Department of Health, nasa 3.5-million indibidwal na ang na-test para sa COVID-19 sa buong bansa. Mayroon naman nang 107 accredited RT-PCR testing laboratory sa bansa. Nasa 33 naman ang nagsasagawa ng GeneXpert test.










