-- Advertisements --
image 84

Tinitingnan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND), ang posibleng pakikipagtulungan sa pagtatanggol at seguridad sa Netherlands at European Union.

Ito ay habang iginiit ng Norway ang suporta nito sa rule of law at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa gitna ng lumalaking paninindigan ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Nakipagpulong si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa mga ambassador ng Netherlands at Norway upang talakayin ang mga naturang plano at mga posibilidad ng pakikipagtulungan sa hinaharap.

Sa pakikipag-usap kay Dutch Ambassador Marielle Geraedts, iminungkahi ni Teodoro ang mga paraan upang isulong ang bilateral cooperation sa pamamagitan ng mga oportunidad sa greenfield sa iba’t ibang industriya, partikular sa pagtatanggol at seguridad, kasama ang Netherlands at European Union.

Dagdag pa dito, iminungkahi ng opisyal na bumuo ng mas malawak na defense cooperation, na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng iba pang mga usapin tulad ng cyber at artificial intelligence.

Tinalakay din ni Teodoro, ang recalibration ng diskarte sa pagtatanggol ng Pilipinas, na nakikita ang pagbabago sa teritorial at external defense, at binibigyang-diin ang pagbuo ng isang depensa na epektibong magpoprotekta sa interes ng EEZ ng Pilipinas.