Tutulong ang Philippine Navy sa paghahatid ng mga persons deprived of liberty sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.
Ito ang pagtitiyak ni Phil Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr, sa kanyang pakikipagpulong kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.
Nauna kasing nag-usap ang dalawa ukol sa planong pagtatatag ng agro-aqua industrial food production hub sa Ihawig Prisons, kasabay ng paglilipat sa mga preso mula sa New Bilibid Prisons.
Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga persons deprived of liberty na maging aktibo sa larangan ng agrikultura at environmental protection.
Dahil dito ay kakailanganin ng BuCor ang tulong ng Navy para maibiyahe ang mga PDL.
Ayon kay Vice Admiral Adaci Jr, nakahandang tulungan ng Navy ang BuCor sa nasabing hangarin, kasabay ng pagtitiyak ng kanyang suporta sa mga programa ng ahensiya.