Iniulat ng US Department of Agriculture na tinanghal ang Pilipinas bilang nangungunang importer ng bigas sa buong mundo para sa marketing year 2022-2023.
Inihayag ng “Grain: World Markets and Trade” ng USDA na inaprubahan ng bansa ang pag-aangkat ng 3,900 metriko tonelada (MT) ng bigas mula Enero 2022 hanggang Disyembre 2023.
Nalampasan nito ang pag-aangkat ng bigas ng China sa 3,500 MT sa parehong panahon.
Kinilala ang China bilang consistent top rice importer simula noong 2019.
Ayon sa USDA, noong 2008, ang nangungunang importer sa Pilipinas ay patuloy na bumibili ng mas malalaking volume habang tumataas ang mga presyo nito.
Para sa Enero 2023 hanggang Agosto 2024, ang Pilipinas ay nakikitang bahagyang bababa ang pag-aangkat ng bigas ng 100 MT habang ang China ay inaasahang tataas ang pag-aangkat nito ng 500 MT, na mabawi ang nangungunang rice importer spot sa mundo.
Sa usapin ng produksyon ng milled rice, ang Pilipinas ay nahuhuli sa 12,631 MT mula sa 145,946 MT ng China at 136,000 MT na produksyon ng India para sa taong 2022-2023.
Una na rito, ang Thailand at Vietnam ang naiulat na nangungunang dalawang pinagkukunan ng imported na bigas sa Pilipinas ngayong 2023.