-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nananatili ang kanilang pagtutok sa isyu ng Monkeypox, kahit wala na uling kaso nito sa ating bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat na mabahala sa nasabing isyu dahil ginagawa naman ng Department of Health (DoH) ang kanilang trabaho hinggil sa bagay na ito.

Ang kailangan aniyang gawin ngayon ay panatilihin ang kalinisan, tulad ng basic hygiene protocol na paghuhugas ng kamay.

Giit ng chief executive, hindi kagaya ng COVID-19 na mabilis kumalat ang Monkeypox kaya hindi ito dapat makaapekto sa araw-araw nating galaw.

Nabatid na matapos ang quarantine period sa pasyenteng nagpositibo sa naturang sakit, agad na rin siyang pinayagang makalabas at makauwi sa sarili nitong bahay.

Ang unang kaso ng Monkeypox sa Pilipinas ay isang 31-anyos na balik-bayan at dumating sa ating bansa noong Hulyo 19, 2022.