-- Advertisements --

Nakiisa ang Pilipinas sa pagkondena sa isinagawang missile test ng North Korea noong nakalipas na linngo at hinikayat ang authoritarian state na sumunod sa international law.

Sa inilabas na statement ng Department of Foreign Affairs, iginiit nito ang pagkakaroon ng kapayapaan at stability sa korean Peninsula , sa buong rehiyon at sa buong mundo.

Binigyang diin din nito ang panawagan sa Democratic People’s Republic of Korea na sumunod sa international obligations nito sa ilalim ng UN Security Council resolutions.

Ayon sa mga awtoridad mula sa South korea, nasa 3 ballistic missiles ang pinakawalan ng North Korea noong Miyerkules, May 25 mula sa Sunan area sa pyongyang kung saan isa sa missile test ng nito ay ang largest intercontinental ballistic missile ang hwasong-17.

Ang paglulunsad ng missile test ng North Korea ay isang araw matapos ang Quat Summit ng mga lider ng India, Japan , Australia at US.

Bumalangkas din ng isang resolution ang UN Security Council na nagpapataw ng mahigpit na sanctions laban sa North korea dahil