Ibinunyag ng Department of Health na nangako ang vaccine-sharing facility na COVAX na magbibigay ng donasyong Bivalent COVID-19 vaccine sa bansa na target ang omicron variant at orihinal na anyo ng virus.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, target na matanggap ang ang naturang mga donasyon sa unang quarter ng kasalukuyang taon.
Hindi naman na ibinahagi ng opisyal ang eksaktong bilang ng mga bakuan na ibibigay ng COVAX habang isinasapinal pa ang mga kasunduan.
Subalit, ayon kay Vergeire magiging sapat ito para sa mga unang prayoridad na populasyon ng bansa na babakunahan ng Bivalent vaccine.
Nangako na rin aniya ang iba pang mga bansa ng pagdonate ng Bivalent vaccine sa bansa.
Sa ngayon mayroon ng mahigit 21.2 million Pilipino ang nakatanggap ng unang booster shots habang nasa 3.8 million naman ang nabakunaha ng ikalawang booster dose.