-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 36 na araw.
Ito na ang ikatlong sunod na araw na nakapagtala ang bansa ng mababang bilang ng covid-19.
Sa latest figure ng ahensiya, nasa 11,202 ang active caseload ng bansa na bumaba mula sa dating 11,644 noong Sabado.
Ito ay matapos na madagdagan ang bilang ng mga gumaling na mula sa sakit ng nasa 1,283 dahilan para pumalo pa ito sa kabuuang 4,077,348.
Ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo sinundan ng Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Cagayan Valley.
Nananatili naman na naa 66,481 ang death tally dahil sa covid-19.