Naniniwala si National Irrigation Administration (NIA) administrator Eduardo Guillen na nakahanda ang bansa para tugunan ang El Nino phenomenon sa mga susunod na buwan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno alinsunod sa mensahe ng Pangulo na pagkakaisa.
Saad pa nito na ang pangmatagalang solusyon para sa El Nino phenomenon at paglikha ng high dams.
Sa pamamagitan nito magkakaroon ng irigasyon, power generation at hindi lamang magkakaroon ng flood control at aquaculture, magkakaroon din ng solar panels sa mga lawa at turismo.
Nais din aniya ng Pangulo na matulungan ang mga magsasaka at maibigay ng tama at on time ang inputs.
Dagdag pa ni Guillen na ang P200 billion kada taon ay kailangan para mapalakas ang agricultural inputs ng bansa para sa mga magsasaka.