Nagpahayag ang Pilipinas ng pasasalamat sa Qatar para sa pagsisikap na mabuksan ang Rafah border para sa mga lilikas mula sa Gaza.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, lubos na pinahahalagahan ng departamento ang pagsisikap ng Qatar na mapabuksan ang nasabing border.
Idinagdag niya na ang Pilipinas at Qatar ay nagkaisa sa layunin ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Nauna nang sinabi ng DFA na ang tanging paraan upang makalabas sa Gaza Strip ay sa pamamagitan ng Rafah border crossing sa Egypt.
Ang hangganan ng Rafah ay unang binuksan noong Nobyembre 1 sa ilalim ng Qatar-mediated deal, na nagpapahintulot sa isang paunang bilang ng mga nasugatan na evacuees mula sa Gaza na tumawid sa Egypt.
Ito ay pansamantalang isinara at kalaunay muling binuksan noong Nobyembre 7, na nagpapahintulot sa paglabas ng mas maraming dayuhan, kabilang na ang ilang mga Pilipino.
Una na rito, 40 mga Pinoy na ang nakatawid sa naturang border at nasa Egypt na.