Naglunsad ang Pilipinas ng marine research sa Sandy Cay na nasa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for WPS Commodore Jay Tarriela, isasagawa ng mga eksperto ng assessment sa Sandy Cay 1, 2, 3 at 4.
Nasa 3 research groups ang magsasagawa ng marine research na pinamumunuan ni Dr. Jonathan Anticamara ng UP Institute of Biology, kasama din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Agriculture – National Fisheries Research and Development Institute (DA-NFRDI).
Ayon din kay Tarriela, ang initial findings sa Sandy Cay 1 at 2 ay posibleng maipresenta bukas ng umaga o hapon pagkatapos ng pagpupulong ng 3 research groups sa gabi ng huwebes.
Ito naman ang unang pagkakataon na magsasagawa ng marine research sa Sandy Cay.
Ayon lay Dr. Anticamara, ang pangunahing layunin ng naturang pananaliksik ay para malaman kung anong uri ng corals, mga isda at invertebrates ang makikita sa West PH Sea at kung anong reef biodiversity ang matatagpuna sa ilalim ng dagat at kung ano ang estado ng biodiversity na ito sa kasalukuyan.
May iba’t ibang bahagi din aniya ang naturang pananaliksik gaya ng environmental assessment, biochemical assessment, basic water parameters, fish visual census at iba pa.
Malalaman din aniya kung mayroong unnatural matters na madidiskubre sa Sandy Cay. Maliban dito, kanilang susuriin din kung mayroong corals mula sa ibang lugar na nakatambak doon.
Matatandaan noong Setyembre 2023, nadiskubre ang wala ng buhay at durog na mga bahura sa may Sandy cay 2 na ayon sa ilang eksperto ay isang karaniwang procedure na ginagawa ng China bago simulan ang reclamation activities.
Samantala, sinabi din ni Tarriela na nagimbita rin sila ng marine scientists para magsagawa ng pananaliksik para malaman ang environmental impacts sa Sandy Cay.
Nagdeploy din ang BFAr at PCG ng 4 na barko sa lugar bilang paghahanda sa posibleng pagharang ng mga barko ng China sa research activities ng PH sa Sandy Cay.