Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China bilang tugon sa mga maniobra ng mga sasakyang pandagat ng China noong Linggo na humantong sa banggaan ng mga barko ng Pilipinas sa isang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza na ipinatawag din ng Pilipinas si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil sa insidente ngunit nasa labas siya ng bansa.
Ang diplomatikong protesta ay ipinasa kay Embassy Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong ni Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau.
Inulit ni Zhou ang posisyon ng China na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Nansha Qundao ng China at teritoryo ng China.
Ang dalawang barko ay kasama ng mga sibilyang barko na kinontrata para sa nasabing resupply mission.
Una nang iniulat ng mga awtoridad ang pinakabagong insidente na banggaan ng China Coast guard at ang resupply boat ng Ph sa Ayungin Shoal.