-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mas kinatigan ng mga kapatid na Muslims sa Pilipinas na ibalik at maaktibong muli ang minsan nang sinubok na ‘two state solutions’ na kapwa magbigay benepisyo para sa matagal nang nagka-alitan na lahing Israelitas sa Palestinians sa Israel.

Layunin nito na manumbalik ang mailap nang pag-uunawaan ng dalawang mga lahi na parehong nagsusulong na magkaroon ng kasarinlan at soberanya sa Gitnang Silangan.

Ganito ang ipinaabot na mensahe ni Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong katuwang ang pagsama at pagtindig ng mga Kristiyano na mahikayat ang United Nations na balikan ang una nang napagkasunduan noon na Israel at Palestine na ‘2 state solutions.’

Batid kasi ni Adiong na mas malakas ang hatak ng mga Pinoy na mayroong matibay na paniniwalang Kristiyanismo upang maibsan ang kasalukuyang ‘humanitarian crisis’ na dinaranas ng mga sibilyan sa loob ng Palestine State na kinubkob ang bahagi ng Gaza City dahil sa presensya ng Hamas militants.

Magugunitang ensaktong dalawang linggo nitong araw,libu-libo ng mga buhay mula sa magkabilang panig ang kompirmadong nasawi kasama ang maraming foreign nationalities kabilang ang ilang Israel based Pinoy workers.