Naniniwala si Leyte 1st District Representative at dating House Majority Leader Martin Romualdez na magiging mas malakas pa ang bilateral ties ng Pilipinas at Korea sa administrasyon ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nagpulong kamakailan ang ilang mga executives ng Pilipinas kasama ang kanilang Korean counterpart.
Pinangunahan ni Rep. Romualdez ang Philippine delegation.
Nakipagpulong ang grupo ni Romualdez kay Korea’s Majority Leader Kweon Seong Dong kung saan kanilang pinag-usapan ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa.
Ginanap ang pagpupulong sa may bahagi ng Manila Golf and Country Club sa Makati City nuong Biyernes.
Kasama sa Philippine delegation ang ilang mambabatas na sina Reps. Maricar Zamora (Davao de Oro), David Suarez (Quezon), Geraldine Roman (Bataan), Manuel “Mannix” Dalipe (Zamboanga City), Antonio “Tonypet” Albano (Isabela) at presidential son Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos (Ilocos Norte).
Nakilala naman ang mga miyembro ng Korean delegation sina Korean Ambassador Kim Inchul, Seo Il Jun, Yang Khum Hee. Kim Sun Kyo, Bae June Young, Lee Joo Hwan, Park Hyeung Soo, at Gang Gi Hoon.
Pagkatapos ng nasabing pulong niregaluhan ni Romualdez si Korea Majority leader Kweon Seong DOng ng true-to-scale miniture o replica ng kilalang Philippine Jeepney model na gawa sa crystal glass.