-- Advertisements --

Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kayang itaguyod ng bansa sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mataas na trajectory ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Reaksiyon ito ni Speaker Romualdez sa desisyon ng Development and Budget Coordination Committee at National Economic and Development Authority na rebisahin ang growth targets para sa taong ito mula 6.5-7.5 porsiyento hanggang 6-7 porsiyento.

Inihayag din ni Speaker na maari din tayong tumalon kung ang panukalang economic Charter reforms ay nakalatag na.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez kung ang bansa ay lumago pa sa 6 percent ngayong taon, mananatiling fastest growing economies pa rin ang Pilipinas sa Asia-Pacific region.

Nanawagan naman si Speaker sa mga concerned agencies partikular sa Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform, National Irrigation Administration, at local government units (LGUs) na agad bigyan ng tulong ang farming sector.

Aminado din si Speaker Romualdez na malaking hamon sa economic growth ng bansa ang problema sa trapiko na kinakaharap ngayon dito sa kalakhang Maynila at sa iba pang mga urban areas.

Iminungkahi rin nito na magtayo ng skyways sa bahagi ng EDSA at sa iba pang mga major roads.