Itinuturing na key partner sa Indo-Pacific region ang Pilipinas. Ito ang inihayag ni Czech Republic Prime Minister Petr Fiala sa kanilang bilateral meeting ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanilang pulong muling binigyang-diin ni Prime Minister Fiala kay Pang. Marcos ang kanilang malakas na commitment sa economic development ng Pilipinas.
Sinabi ni Fiala kanilang kinukunsidera bilang key partner ang Pilipinas sa Indo-Pacific region kaya mahalaga ang papel nito.
Kapwa binanggit nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Prime Minister Petr Fiala na nagbunga ang kanilang foreign trips sa kani-kanilang mga bansa dahil sumang-ayon ito na higit pang tuklasin ang mga larangan ng pagtutulungan na kapaki-pakinabang sa kanilang mga tao.
Pinasalamatan naman ni Pang. Marcos si Fiala sa commitment nito sa Pilipinas.
Nagkasundo ang dalawang bansa na mag explore pa sa iba pang areas of cooperation gaya ng agriculture, trade and investment, defense and security, labor space, technology at iba pa.