Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayan din ang pamahalaan sa iba pang bansa na gumagawa ng bakuna laban sa COVID-19.
Pahayag ito ng ahensya matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na target niyang bumili ng mas murang coronavirus vaccine.
“Sa ngayon, ang government nandoon tayo sa phase where we are trying to map out and scope all of these manufacturers na lumalapit sa atin na mayroon sa ating bansa,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
“Mayroon pa ngang mga kinakausap na tayo na nasa pre-clincal phase pa lang dahil gusto natin ma-scope yung pinaka-appropriate na pwede nating ipagamit sa ating population with regarding to the vaccine of COVID-19.”
Ani Vergeire, nakabatay naman sa pagiging epektibo at ligtas ng bakuna ang gagawing pag-aangkat ng bansa.
Dapat din daw ay regulated ito ng Food and Drug Administration; may rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council; nakalista sa Philippine National Drug Formulary; at dumaan sa mga proseso ng World Health Organization
Ang vaccine expert panel, na pinangungunahan ng Department of Science and Technology, ang inaasahang susuri sa mga i-aalok na bakuna sa Pilipinas.”
“This is to ensure that really government will be efficient and be able to provide a safe and efficacious vaccine for all of our population if they will provide.”
DUTERTE: ‘PARE-PAREHONG GERMS ITUTUROK SA TAO’
Nilinaw din ng opisyal ang pahayag ng pangulo ukol sa pinanggagalingan ng bakuna. Ayon kay Vergeire, may component na “inactivated virus” ng mismong virus ang lahat ng developed vaccine.
“Ibig sabihin siguro ni presidente na ito nga ay ito naman ay galing din dito sa mga sinasabing mga component o parte ng virus para makagawa tayo ng bakuna which can activate the immune response of a person.”
“Although mayroong iba na parang synthetic na yun ang gagamitin nila. When DOST presented to us, there are about seven or eight types on how the vaccine will be formed… most of the vaccines are coming from the virus itself.”
Sa ngayon naisumite na raw ng Science department ang pinirmihan nilang kopya ng confidentiality data agreement sa Sinovac at Sinopharm, na mga biopharmaceutical company sa China.
Nakatakda namang magpulong ang sub-technical working group on vaccines sa Huwebes kaugnay ng bakunang developed ng University of Queensland, Australia.