Naka half-mast ang pambansang watawat sa lahat ng mga kampo ng militar sa buong bansa.

Ito ay may kaugnayan sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon “PNoy” Aquino III.

Sinabi ni Maj. Gen. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na ang pagbaba ng watawat ng Pilipinas sa half mast ay pagpakita ng pagluluksa kay Aquino bilang dating pangulo at dating commander-in-chief ng AFP.

Ang AFP ay nakikisali sa bansang Pilipino sa pagluluksa sa pagkamatay ng dating pangulo.

Nakikiisa ang mga sundalo, airmen, marino, reservist, at civilian human resource sa ating mga kababayan sa pagdarasal.

Sinabi rin ni Arevalo na nagdadalamhati rin sila sa pagkamatay ng anim na tauhan ng Philippine Air Force na namatay sa pagbagsak ng Black Hawk helicopter sa Tarlac.