Malapit sa panlasa at presyo sa mga mula sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia, ang mga durian ng Pilipinas ay maaaring makipagkumpitensya sa mga variant ng Malaysian at Thai sa merkado ng China, ayon sa mga opisyal mula sa Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Ana Abejuela, ang agriculture attaché ng Pilipinas, ang variant ng Filipino durian ay katumbas din ng Thai durian at ang unang shipment mula sa Davao noong Abril ay nakakuha raw ng “fantastic response” mula sa mga Chinese national.
Dagdag dito, umaasa rin ang Pilipinas na makapag-export ng frozen na durian at makahabol sa Malaysia na kasalukuyang nagpapadala ng frozen na Musang King durian, na pinakamahal sa China.
Ang Pilipinas ay nagsimulang mag-export ng sariwang durian sa China noong unang linggo ng Abril, pagkatapos ng pag-apruba ng export permit ng nasabing produkto.
Ito ay kasunod ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China noong Enero, na nagresulta sa paglagda ng $2 billion na pag-export ng prutas upang palakasin ang pag-import ng mga high-value agricultural products mula sa Pilipinas.
Umaasa si Abejuela na mapapalakas ng Maynila ang pag-export sa China habang ang dalawang bansa ay nagtatrabaho sa mas malakas na kooperasyon sa usaping pang-agrikultura.