-- Advertisements --
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Philippine Consulate General sa San Francisco sa California sa pamilya ng isang Pinoy na kabilang sa nasawi sa nangyari masaker sa Valley Transportation Authority (VTA).

Una nang kinilala ang namatay na si Paul dela Cruz Megia, isang Filipino employee sa VTA at kabilang walong nasawi sa shooting incident sa San Jose California.
Tiniyak naman ng kunsulada ng Pilipinas na handa silang tumulong kung kinakailangan sa pamilya ni Megia.
Kasabay nito, nagpaabot din naman nang pakikidalamhati ang consulate general sa iba pang pamilya ng mga biktima.
Bago ito, kinumpirma rin ng DFA ang pagkamatay ng isang Pinoy doon.










