Ibinida ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga bagong sasakyan at gamit na malaking tumulong umano para sa kanilang maritime operations.

Pinangunahan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at Transportation Sec. Arthur Tugade ang turn over at blessing ceremony sa mga bagong assets na tinanggap ng PCG.

Kabilang na riot ang 90-unit ng 4×4 pick-up trailer, 73 rubber boat, 12 unit ng inflatable boat na may outboard motor, pitong unit ng PCG bus at limang fully eqipped na mga ambulansya.

Naniniwala si Lorenzana na palalakasin pa ng mga bagong asset ang buong pwersa ng Coast Guard.

Para naman kay PCG commandant Admiral Elson Hermogino makakatulong ang mga bagong unit para mapabilis ang response ng ahensya sa oras ng kalamidad.