-- Advertisements --

Buo ang suporta ng pamahalaan sa laban ng nag-iisang atleta ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Winter Olympics sa Beijing, China.

Ayon kay Senate committee on sports chairman Sen. Christopher Bong Go, hangad nila at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ni Asa Miller na sasabak sa malaking sporting event.

Kamakailan ay nagbukas na ang naturang aktibidad, kung saan proud na dinala ni Miller ang watawat ng Pilipinas, para ikatawan ang ating bansa.

Nagpadala rin ng team na aalalay sa Pinay skier sa kabuuan ng kaniyang Olympic journey.

Una nang naging isyu ang hindi pagpapadala ng ilang western countries ng kanilang mga opisyal, bilang protesta laban sa China na siyang host country ng Winter Games.