-- Advertisements --
CARLITO GALVEZ 1 1

Nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na isapinal ang kanilang plano kaugnay sa pagsasagawa ng joint naval sail sa karagatang sumasaklaw sa Indo-Pacific region ayon sa Department of National Defense (DND).

Si DND Officer in Charge (OIC) Senior Undersecretary Galvez Jr. ang mismong nagrekomenda kay Admiral John Aquilino, commander of the United States Indo-Pacific Command (INDOPACOM) kaugnay sa pagsasapinal ng plano ng dalawang bansa na magsagawa ng sanib-pwersang paglalayag ng Philippine at US navies sa pagtatapos ng Exercise Balikatan 2023 nitong Abril 28 gayundin ng Joint Intelligence, Surveillance, and Reconnaissance (ISR) Operations sa lalong madaling panahon.

Bilang tugon, sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na nagpahayag naman ang commander ng United States Indo-Pacific Command para sa pagsasagawa ng cooperative deployments para protektahan ang global commons, kalayaan sa paglalayag at pagpapanatili ng malaya, bukas, matatag at maunlad na Indo-Pacific region.

Binigyang diin din ng dalawang panig ang pagkakaroon ng mekanismo para bigyang daan ang pagpapalakas ng collective defense at alyansa ng dalawang bansa sa hinaharap.