Bumisita sa Washington ang Philppine Coast Guard commandant, upang makipagpulong sa pamunuan ng United States Coast Guard (USCG)
Ito ay upang lalo pang mapalakas ang alyansa ng dalawang panig.
Ang delegasyon ng Phil Coast Guard ay pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu na mainit namang tinanggap ng US Coast Guard sa pangunguna ni Admiral Linda Fagan.
Bahagi rin ng talakayan ng dalawa ay ang pagpapatibay sa maritime governance at pagbibigay prioridad sa mga kaligtasan sa mga karagatan, pagtalima sa international laws and regulations, at pagpapabuti sa kalagayan ng marine environment.
Sa naging statement naman ni Admiral Fagan, sinabi nitong magpapatuloy ang pakikipag-alyansa nito sa mga regional partners ng US Coast Guard bilang bahagi ng pagpapalakas nito sa alyansa sa mga bansang bahagi ng Asia-Pacific Region.
Nais aniya ng US Coast Guard na magkaroon ng bilateral at multilateral interoperability kasama ang PCG at iba pang coast guard sa nasabing rehiyon.
Magugunitang kamakailan lang ay nagsagawa ang Pilipinas, US, at Japan ng kauna-unahang joint maritime drills sa karagatang sakop ng Bataan kung saan naging bahagi rito ang nasa 400 personnel mula sa tatlong bansa.
Samantala, kasama naman ng dalawang opisyal ang kanilang mga kapwa top officials, sa nasabing pulong.