Lumagda ang Pilipinas at United Kingdom sa isang partnership statement na nakatuon sa pagpapabuti ng kalakalan, pamumuhunan at kooperasyong pang-ekonomiya.
Ito ay nagtutulak sa bansa na sumali sa preferential trading scheme para sa mga umuunlad na bansa na ilulunsad ng UK sa susunod na buwan.
Sinabi ng Department of Trade and Industry na ang partnership statement sa kalakalan, pamumuhunan, at kooperasyong pang-ekonomiya ay nilagdaan sa ika-apat na round ng bilateral economic dialogue na ginanap noong nakaraang linggo.
Ang dayalogo ay pinangunahan nina Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo at UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils.
Sa issue ng kalakalan, ang dalawang bansa ay sumang-ayon na palaguin ang bilateral trade, kabilang ang sa pamamagitan ng magkasanib na pagtataguyod ng Development Countries Trading Scheme (DCTS), at patuloy na tugunan ang mga alalahanin sa pag-access sa merkado.
Ang parehong partido ay sumang-ayon din na himukin ang mga pagkakataon sa pamumuhunan, kabilang na rin ang sa pamamagitan ng British Investment Partnerships, na nakikitang makakatulong sa pagpapakilos ng pribado at pampublikong pananalapi.
Gayundin, ang technical expertise upang suportahan ang napapanatiling pag-unlad ng imprastraktura.
Ang pagtataguyod ng magandang business environment sa pamamagitan ng kadalian sa paggawa ng negosyo, kahusayan sa regulasyon at digitalization, ay kabilang din sa mga napagkasunduan ng mga opisyal ng Pilipinas at UK