-- Advertisements --
image 254

Inanunsiyo ni Energy Undersecretary Sharon Garin na mayroong nagpapatuloy na pag-uusap para isang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PH at South Korea para sa panibago at mas komprehensibong feasibility study sa planong rehabilitasyon sa 620-megawatt Bataan Nuclear Power Plant.

Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag sa kaniyang presentasyon sa ginanap na World Nuclear Symposium sa London, UK.

Dito, target ng gobyerno ng Pilipinas na magkaroon ng kasunduan sa pinapatakbo ng gobyerno ng South Korea na Korea-Hydro & Nuclear Power (KHNP) na siyang subsidiary ng Korea electirc power Corporation (KEPCO) na nagooperate sa malalaking hydro at nuclear power facilities sa South korea.

Ayon pa sa DOE official, magsagawa din ng re-evaluation pagkatapos ng pre-feasibility study report na ginawa ng South Korea para sa Bataan Nuclear Power Plant facility.

Aniya, payag umano ang South Korea na gawin ang feasibility study sa kanilang sariling gastos at resources para sa re-assessment ng Bataan Nuclear Power Plant upang malaman kung feasible na paganahin ulit ito o hindi.

Aniya, mayroon ng pag-aaral na isinagawa noon ang South Korea subalit kailangan pa ng malalimang pananaliksik dahil kulang pa aniya ng full-blow assessment.

Sa oras aniya na matapos na ang kasunduan, posibleng matagalan pa bago maisagawa ang actual assessment at pag-aaral na aabutin ng minimum na isang taon o mas mahaba pa.