Nangako ang Pilipinas at Estado ng Qatar na gagamitin ang lakas at kadalubhasaan ng bawat isa sa pagbuo ng mga kasanayan at kapasidad ng mga pangunahing stakeholder, kabilang ang mga lokal na komunidad, upang umangkop at mapagaan ang epekto ng climate change.
Pinasalamatan ng Climate Change Commission (CCC) Vice Chairperson at Executive Director na si Robert Borje si State of Qatar’s Ambassador to the Philippines Saad Al- Homidi, para sa patuloy na suporta ng Qatar sa Pilipinas sa mga nakaraang taon.
Kinilala ni Borje ang pakikipagtulungan ng Qatar sa Pilipinas, na binanggit na ang patuloy na suporta, kabilang ang mga hakbangin sa climate change, ay magiging isang mahalagang dimension ng pinatibay, mature at modernong bilateral cooperation.
Itinampok sa mga talakayan ang mga potensyal na larangan ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, at ang pangangailangang magtatag ng isang pormal na kasunduan sa kooperasyon na nakatuon sa technical assistance at poilicy develoment.
Partikular sa mga lugar sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Una na rito, ang CCC ay nagpaabot ng opisyal na imbitasyon sa Qatar na maging miyembro ng contact group na “Empowering Nurtured Alliance for Climate Action and Transformation,” o ENACT.