-- Advertisements --
PH JAPAN CHAMBER

Pumirma ng isang kasunduan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at ang Japan Chamber of Commerce and Industry (JCCI) upang higit pang pahusayin ang kooperasyong pang-ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansa.

Nilagdaan ni PCCI president George Barcelon at JCCI chairman Ken Kobayashi ang isang memo of understanding (MOU) upang palakasin ang kooperasyong pangnegosyo ng Pilipinas at Japan.”

Sa ilalim ng MOU, ang parehong panig ay sumasang-ayon na regular na makipagpalitan at magpakalat ng impormasyon sa pananaw ng pagbubukas ng higit pang mga posibilidad para sa pagpapahusay ng kooperasyon, pagpapataas ng kalakalang pang-ekonomiya.

Para na rin sa pagpapalawak ng mga pamumuhunan sa pagitan ng dalawang bansa, partikular sa mga larangan ng information technology, communication at innovation.

Ang pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang panig ay magsasama ng market data and information on policy, legal and regulatory environment para sa pagnenegosyo sa kani-kanilang mga bansa.

Sinabi ni PCCI president George Barcelon, na ang paglagda sa kasunduan ay hudyat ng pagsisimula ng mas malaking pakikipagtulungan sa Japan.

Una na rito, na ang Japan ang pangalawang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas at ang nangungunang source ng official development assistance (ODA).